Ni Leonel M. Abasola

Umaasa si Senador Antonio Trillanes IV na mapapalitan na si Senador Richard Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon committee, kasabay ng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Maugong din ang usap-usapang papalitan na si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo 22.

“Isang panalangin natin ‘yan na magbago, so hindi ko alam kung may powers pa rin ako,” saad ni Trillanes.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya, kailangan na hindi “tuta” ng administrasyon ang mamuno sa nasabing komite, lalo na dahil ilan sa mga opisyal na sangkot sa mga kasong hinahawakan ng komite ay malalapit kay Pangulong Duterte.

“Hindi ‘yan pwedeng mapunta sa isang tuta ni Duterte kasi magiging proteksiyon ‘yan, gagamiting proteksiyon ni Duterte.

Whatever it takes mapalitan ‘yung Blue Ribbon committee chairman, if it takes mapalitan ‘yung Senate President, eh ‘di ganun. Pero kung papalitan ‘yung Senate President, tapos siya (Gordon) pa rin ang Blue Ribbon committee chairman, wala rin,” ani Trillanes.