WASHINGTON (AP) — Sa pakiwari na umabot na sa “point of crisis” ang sitwasyon, nilagdaan ni President Donald Trump nitong Miyerkules ang proklamasyon na magpapadala ng National Guard sa US-Mexico border para labanan ang illegal immigration.

“The lawlessness that continues at our southern border is fundamentally incompatible with the safety, security, and sovereignty of the American people,” isinulat ni Trump sa memo na nagbibigay ng awtorisasyon sa deployment, idinagdag na ang kanyang administration “had no choice but to act.”

Ipinahayag ito ilang oras matapos mangako si Trump ng mabigat na hakbang sa immigration at isang araw matapos niyang sabihin na nais niyang gamitin ang militar para i-secure ang southern border hanggang sa maitayo ang ipinangako niyang border wall.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture