Ni Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Naghain ng reklamo sa pulisya ang mga magulang ng isang mag-aaral sa Grade 4 laban sa lalaking humalay umano sa paslit sa San Jose, Tarlac, nitong Martes ng gabi.

Nakilala ng pulisya ang suspek na si Robert Juan, ng Barangay Mayamot, San Jose, na kaagad na ikinulong nang maaresto sa kanyang bahay.

Sa salaysay ng biktima kay PO2 Leizel Bunagan, dumalo ang bata sa wedding party sa kanilang lugar at nang pauwi na ay nakasalubong sa kalsada ang suspek, na noon ay lasing umano.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinala umano ang biktima sa bukid at doon ginahasa.