Ni Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Nilooban ng mga miyembro ng ‘Bolt-Cutter’ gang ang isang tindahan at nakatangay sila ng aabot sa P24,000 halaga ng paninda sa Gerona-Pura-Guimba Road sa Barangay Singat, Gerona, Tarlac, nitong Martes ng madaling-araw.

Natuklasan lamang ang pagnanakaw nang pumasok sa kanilang tindahan ang may-ari na si Edna Penamante, 55, may asawa, ng Bgy. Pinasling, Gerona, Tarlac.

Sinabi ng pulisya na winasak ng mga suspek ang kandado ng tindahan at ang closed-circuit television (CCTV) camera ng establisimyento bago pinasok ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog