NAKAUNGOS si Sander Severino ng Silay City, Negros Occidental kontra kay fellow Fide Master (FM) Narquingden Reyes ng Rodriguez, Rizal para magkampeon sa 4th Julio Trunio Chess Cup nitong Biyernes sa Pinoy Chess Club Online Facebook site.

Si Severino, Asean Para Games multiple gold medal winner ay nakatangap ng top prize P1,500 habang naibulsa naman ni Reyes, miyembro ng PLDT MVP Olympic chess team champ ang runner-up prize P1,000 sa single-elimination tournament, knock-out format.

Ang two minutes bullet time control format ay suportado ni sportsman Julio Trunio Jr. sa pakikipagtulungan ng MindChess Philippines at ni Chairman Capt. Bw Ronaldo Rnb Banaag.

Ayon kay Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales ay kinakailangan munang talunin ni Severino sina National Masters Ronald Llavanes, Joey Albert Florendo at Alcon John Datu para makapuwersa ng titular showdown kay Reyes na wagi naman kina National Masters Marc Christian Nazario at Rolzon Roullo at Jerome Villanueva, ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naibulsa ni Villanueva ang ikatlong puwesto, habang naisukbit naman ni Datu ang ikaapat na puwesto.

Samantala, tuloy na ang 1st Teofilo Paez Memorial Chess Cup tournament sa Abril 7 sa Pinoy Chess Club Online Facebook site.