Ni Jun Fabon

Kaagad ipinag-utos ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagsasagawa ng massive manhunt operation sa sinasabing hired killers na nag-ambush at pumatay sa dalawang negosyante sa lungsod, nitong Linggo.

Kinilala ang mga biktimang sina Albert Lavadia Urmaza, ng Barangay San Andes sa Cainta; at Charlie Bugarin, ng Bgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa imbestigasyon ni PO3 Jomar Pallado, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), inabangan at pinaulanan ng bala ng dalawang armadong lalaki na sakay sa isang motorsiklo ang dalawang negosyante sa San Mateo Batasan Road, River View Bridge, sa boundary ng Quezon City at San Mateo, dakong 11:15 ng umaga.

Sakay sa motorsiklo, binabagtas ng dalawang negosyante ang San Mateo Road nang tambangan at pagbabarilin sila ng riding-in-tandem.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Patuloy na inaalam ng CIDU ang motibo sa pamamaslang sa dalawang negosyante.