MULING makapapanood nang kapana-panabik na aksiyon sa ilalarga nina Joey Sy at Eddie Boy Ochoa na 1st BNTV Cup 5-Bullstag Derby sa Abril 9-30 bilang panimula sa BNTV Cup.

May garantiyang premyong P1 milyon sa torneo para sa mababang entry fee na P5,500 at minimum bet na P3,300.

Tatanggapin na lalabang bullstags ang mga banded ng BNTV , FIGBA Bakbakan 2017, Digmaan 2017, Salpukan, LGBA at local associations tulad ng FIGBA-affiliated o PFGB-affiliated. Ang mga entry na mula sa alpukan o LGBA-banded ay kailangang magsumite ng registry sheet.

Ang 2-bullstag eliminations at nakatakda sa Abril 9 - Metro Darasa Cockpit, Tanauan, Batangas (Daniel Paras 0917-8642018); sa Apr. 10 – Santa Square Arena (Mhiko Dunca 0917-8592018); Apr. 10 – Texas Cockpit Arena (Albert Carlos 0917-8132186); Apr. 13 - Bacolor Cockpit Arena (Neil Rengalota 0917-1472018); Apr. 18 – Imus Cockpit Arena (Lemuel Villanueva 0917-1462018) ane on Apr. 20 – Del Monte Cockpit Arena (Lawrence Laurel 0917-1492018/Jaime Escoto 0917-8562018) .

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang 3-bullstag pre-finals ay sa Abril 19 – Sarrat Cockpit Arena; Apr. 26 – Pasig Square Garden at Apr. 29 - Imus Sports Arena.

Gaganapin ang Grand Finals sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 30.

Ang tinatanggap na timbang ay 1.800 – 2.200 kgs.

Para sa slot reservations ng torneo na itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Bexan XP, makipag-ugnayan kay Jay sa mobile no. 0917-8510218.