Ni PNA

BALIWAG, Bulacan-Nagkakahalaga ng P427,798 cash ang isinauli ng isang tapat na basurero sa isang doktor matapos niyang matagpuan ang nasabing halaga sa mga basurang kanyang nakolekta sa Barangay Tangos sa Baliwag, Bulacan.

Personal na isinauli ni Emmanuel Romano, empleyado ng sanitation unit ng munisipyo ng Baliwag, ang pera kay Dr. Consuelo de Guzman.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ibinalot ng doktor ang pera sa isang plastic bag, kasama ng ilang papel at ipinailalim sa kama na naitapon naman ng misis ng doktor sa pag-aakalang basura ito.

Bilang pabuya, binigyan ng mag-asawa si Romano ng P20,000, at nag-abot din ng ilang libong piso sa mga katrabaho nito.

Nangako naman si Baliwag mayor Ferdinand Estrella na itataas nito ang suweldo ni Romano, dahil sa ginawa nitong kabutihan.