Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY, Tarlac - Dinakma ng mga tauhan ng Tarlac City Police ang dalawang umano’y drug pusher sa buy-bust operation sa Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Sabado ng gabi.

Ang anti-illegal drugs operations ay isinagawa sa pangunguna ni Supt. Eric Buencancejo, hepe ng Tarlac City Police.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naaresto sina Carib Macaraya, alyas “Rex Muslim”, 22, may asawa, tubong Marawi City, at residente ng Bgy. Tibag; at Kalal Abdul Madid, alyas “Diego”, tubong Lanao Del Sur, ng Bgy. Mabini, Tarlac City.

Nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang isang transparent plastic sachet na may lamang shabu at marked money.