Ni Beth Camia

Kasunod ng cyber attack sa Malaysian central bank, sinimulan nang ialerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga local financial institution sa bansa.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, kaagad nilang inilabas ang isang general alert reminder matapos silang makatanggap ng adivsory mula sa Bank Negara Malaysia (BNM) na kailangang maging mas maingat sa long holiday sa bansa, kaugnay ng ilang araw na paggunita sa katatapos na Semana Santa.

Iginiit ni Espenilla na ang “information sharing” na ito ay bahagi ng mga pinaigting na protocol ng BSP kontra sa cyber-crime.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na Miyerkules pa inilabas ang ang naturang alert, at simula noon ay wala namang natatanggap na partikular na banta ang BSP.