Ni NITZ MIRALLES

HINDI pinalampas ni Luis Manzano ang comment ng isang basher ni Jessy Mendiola na “Eww” sa picture ng aktres sa Instagram (IG). Si Luis ang sumagot para sa girlfriend. Sabihin nang patola siya, pero para sa fans ng dalawa, dapat lang na depensahan ni Luis ang girlfriend lalo’t wala namang ginagawang masama.

IMG_2098 copy

“@margarita.lee.39589 -- pero naka-follow ka hahaha wag ka umatching, baka nakakahawa katangahan mo” at sinundan pa ng “kahit anong tago mo sa account na anonymous, matutulog ka pa rin gabi-gabi knowing na tanga ka, ‘yun huling iniisip mo bago matulog, ‘paano ako naging ganito ka tanga’.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hayun, basag ang basher hindi na nakasagot sa pagpatol sa kanya ni Luis at dagdag pa ang pagkuyog sa kanya ng fans nina Luis at Jessy.

Nakiusap na rin si Jessy sa fans ng ibang artista na mag-move on na sa mga dating isyu na pinagmumulan ng bashing.

Tama naman ang sinabi niyang, “Let’s all move on na please. Happy naman na kaming lahat. God bless you.”

Makakaasa si Jessy na tuwing may mamba-bash sa kanya, to the rescue lagi si Luis na talagang hindi umaatras sa mga bashe. Lagi siyang may sagot at ang bashers na hindi na lang sumasagot.