Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Dalawang menor de edad ang naiulat na nalunod sa magkakahiwalay na lugar sa Pangasinan, nitong Sabado de Gloria.

Sa unang insidente, nagawa pang isugod sa Pozorrubio Community Hospital ang isang apat na taong gulang na lalaki ngunit dead on arrival na ito.

Ayon sa pulisya, dumayo pa ang pamilya ng nasawi sa isang resort sa Barangay Turko sa Laoac, nang mangyari ang insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isa namang 10-anyos na lalaki na taga-Bgy. Caoayan sa Sual, ang nalunod sa Fila Falls sa Bgy. Camagsingalan.

Abala umano ang pamilya ng bata sa paliligo sa nasabing lugar at hindi napansin ang pagkalunod ng paslit.