UMAASA si University of Santo Tomas coach Kungfu Reyes na maihahanda niya ang koponan sa mahabang pahinga dulot ng Holy Week para makaagapay sa kanilang kampanya sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament.

Magbabalik aksiyon ang Tigresses sa Abril 4 at kumpiyansa si Reyes sa magiging kahandaan ng koponan.

“Magpahinga ulit kami nang konti tapos magmumuni-muni, magrereflect siyempre ‘di namin makakalimutan ‘yun. ‘Yun ‘yung obligasyon natin bilang isang katoliko,” sambit ni Reyes.

“‘Yung iba uuwi para makita ulit ‘yung loved ones nila at mga magulang nila and then from there, magkaroon sila ng mas complete (rest),” aniya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kasalukuyang nasa NO.6 ang UST tangan ang 4-7 karta.

May tsansa pa ang Tigresses sa Final Four kung maipapanalo nila ang nalalabing laro laban sa Ateneo (April 4), La Salle (April 8) at Adamson (April 14).