Ni Rommel P. Tabbad

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang ilang bahagi ng Isabela nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) , dakong 8:38 ng gabi nang maganap ang pagyanig sa layong 17 kilometro Hilagang Silangan ng Divilacan, Isabela.

Probinsya

Dalawang SAF personnel, nagkapikunan sa labada; 1 patay sa tama ng baril

Ang lindol na lumikha ng lalim na 34 kilometro ay tectonic ang pinagmulan.

Walang naitalang pinsala ng lindol at wala ring inaasahang aftershock nito.