Isang bagong road project na mag-uugnay sa mga bayan ng Leon at Alimodian sa gitnang Iloilo ang ginagawa ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

Kabilang sa P17.014-milyon ang pagbubukas ng bagong 1.9-kilometrong farm-to-market road mula sa Barangay Bobon sa Leon, at Bgy. Manasa sa Alimodian.

Magbibigay ang proyekto ng alternatibong daan sa iba’t ibang tourist destination sa bayan ng Leon, gayundin sa “7 Cities” ng Alimodian, at mapapabilis din ang pagbibiyahe ng mga produkto ng mga magsasaka. - Mina Navarro

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador