Ni Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Apat-katao ang nasugatan nang magsalpukan ang sinasakyan nilang tricycle Barangay Sula, San Jose, Tarlac, nitong Sabado ng madaling-araw.

Ang mga ito ay kinilala ni SPO1 Arham Mablay, ng San Jose Police, na sina Aaron Miranda, 28, Siegfredo Dadivas, 36, binata, ng Barangay Sula, San Jose, Tarlac, Ernesto Labrador, 42, at asawang si Nori, 42, ng Bgy. Maamot, San Jose, Tarlac.

Isinugod ang mga ito sa Tarlac Provincial Hospital dahil sa mga sugat sa katawan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ipinahayag ng pulisya, posible umanong inaantok ang driver ng dalawang tricycle nang maganap ang insidente.