Ni Lyka Manalo

BATANGAS – Tatlo ang iniulat ng pulisya na nalunod sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes Santo.

Dakong 9:00 ng umaga nang matagpuan sa ilalim ng dagat si Eljon Eragan na naisugod pa sa Jabez Hospital sa Nasugbu ngunit dead-on-arrival na ito.

Lumangoy umano si Eragan, kasama ang kaanak ng live-in partner nito sa dalampasigan sakop ng Barangay Calayo nang malunod.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nalunod naman si Kerby Sanchez sa Avida Swimming Pool, Barangay San Antonio, Sto. Tomas dakong 1:30 ng hapon.

Matapos ang ilang oras na search-and-retrieval operations ay natagpuan ang bangkay ni Alvin Almendral, sa Taal Lake na bahagi ng Barangay Poblacion 4, Laurel.

Dakong 6:00 ng gabi nang mag-dive sa lawa ang biktima at hindi na lumutang.