LUPAO, Nueva Ecija - Naaresto na ng pulisya ang isang lalaking umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA), na suspek sa pagpatay sa isang 51-anyos na babae sa Barangay San Antonio Wesre, Lupao, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ng pulisya na ang suspek na si Zaldy Ursua, 37, ng Bgy. Alalay Chica sa Lupao, ang responsable sa pagpatay kay Teodora Marzan, sa mismong bahay nito sa Bgy. San Antonio Wesre nitong Marso 22.

Nakumpiska sa suspek ang isang .38 caliber revolver na kargado ng apat na bala, at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay positibong kinilala ng dalawang testigo sa krimen.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder, illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165). - Light Nolasco