Ni NITZ MIRALLES

MAY pahulaan si John Estrada sa Instagram (IG) nang mag-post ng picture niya na may script sa kanyang harapan.

JOHN copy

“Hi everyone... have a blessed and safe holy week... if you are wondering what im doing... im reading my week 1 script for my next project... exciting... dandandandan...” post ni John.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Pero dahil may mga lumabas nang balita na kasama siya sa teleseryeng Mitho ng GMA-7, marami agad ang humula na lilipat na siya sa GMA-7. May nag-welcome na nga sa kanya sa GMA Network.

May Kapamilya fans naman na nalungkot sa pag-alis ni John sa ABS-CBN at ang sweet ng iba dahil hihintayin daw nila ang pagbabalik ni John sa Kapamilya Network. Ang The Good Son ang pinakahuling show ni John sa Dos.

Sa interview ng PEP kay Angel Javier-Cruz, GMA Vice President for Corporate Communications, kinumpirma nitong Kapuso na si John, pero program contract lang ang pinirmahan ng aktor. Ibig sabihin, sa gagawing teleserye pa lang ang kontrata niya at hindi network contract.

Walang ibinigay na detalye si Ms. Angel kung anong show ang gagawin ni John. Ito’y kahit may mga nasulat nang makakasama niya si Alden Richards sa Mitho.