Ni REGGEE BONOAN

NAKITA naming nagmo-malling si Sue Ramirez at boyfriend niyang si Joao Constancia ng Boyband PH sa Robinson’s Magnolia nitong Martes ng gabi.

Kasama nina Sue at Joao ang batang lalaking pamangkin ng aktres na nakikipagkulitan kay Joao at kitang-kita na magkasundo sila.

Bumeso sa amin si Sue at nag-hello naman si Joao (first time kaming magkita) at tinanong kami ng dalaga kung sino ang kasama namin dahil siguro nasanay nang parati kaming magkakasama nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

“Wala kayong kasama? Kayo lang talaga?” nagtatakang tanong kaya biniro namin ng, ‘Hmmm, may hinahanap ka bang iba?” na ikinatawa ng dalaga.

Nakita na namin sina Sue at Joao sa malayuan at nginingitian nila ang lahat ng mga bumabati sa kanila at wala kaming naramdamang ‘paartista epek’ sila.

Parang ordinaryong tao na walang star complex na naglalakad si Sue kahit may bulak at plaster pa ang kanang braso dahil nagpaturok daw siya ng Vitamin C. Bitbit naman si Joao ang shopping bag na pinaglalagyan ng Vans shoes.

Lakad sila nang lakad na parang hindi alam kung ano ang gustong puntahan hanggang sa mapadaan sila sa Happy Lemon at pumila si Sue para sa pamangkin niyang makulit.

Tinanong kami ni Sue kung napanood na namin ang My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach na plano rin sana nilang panoorin pero hindi naman pumwede dahil may kasama silang bagets na cartoons naman ang gustong panoorin.

Sabi namin, bukas (kahapon ‘yun, Miyerkules) na lang tutal palabas pa naman ang MPY hanggang next week.

“Naku, may taping po kami ng Hanggang Saan, hindi puwede,” sabi ni Sue. “Thursday (Marso 29) hanggang Saturday (Marso 31) lang po bakasyon, back to work na kaagad.”

Araw-araw na raw ang taping ng Hanggang Saan na malapit nang magtapos at napasabay na ito sa shooting niya ng Ang Babaeng Allergic Sa Wifi kasama sina Marcus Patterson at Jameson Blake ng IdeaFirst Company.

“Hindi na po si Jerome (Ponce) ang kasama namin kasi may sinu-shoot siyang Walwalan sa Regal kaya si Marcus na,” sambit ni Sue.

Sina Jerome, Jameson at Sue ang magkakasama nu’ng i-shoot ang trailer ng Ang Babaeng Allergic Sa Wifi sa Batangas kasama sina Boots Anson Roa at Yayo Aguila sa direksiyon ni Jun Robles Lana.