ISANG masuwerteng mananaya ng LOTTO 6/42 ang nanalo ng jackpot prize na P 12,433,949.00 nitongMartes, Marso 27, 2018.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander F. Balutan, ang winning ticket na may kombinasyon ng mga numerong 38-08-01-05-34-22 na lumabas nitong Martes ay tinayaan sa lotto outlet ni Ginoong Jeffrey Pesigan sa Lipa, Batangas.

Ang LOTTO 6/42 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Ang Lotto draws ay napapanood ng live sa PTV 4 tuwing ika-9:00 PM.

Nagpapasalamat ang PCSO sa milyon-milyong tumatangkilik sa lotto sa buong bansa sa pagsuporta sa lotto at iba pang produkto ng PCSO. Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng publiko sa ating produkto, tuloy-tuloy din ang palagiang pagbibigay ng serbisyong pangkawanggawa ng PCSO sa ating mga “kababayan” sa buong bansa.

Probinsya

4 arestado sa 'di awtorisadong pagbebenta ng langis

Para sa winning combinations at schedule ng iba pang PCSO gaming products, maaaring bisitahin ang official website ng PCSO sa www.pcso.gov.ph.