Mula sa Entertainment Tonight

NEW look si Shailene Woodley!

shailene

Lumabas ang Big Little Lies star sa New York City nitong Huwebes para sa paglulunsad ng Made Up Stories ni Bruna Papandrea, at ipinakita sa publiko ang kanyang bagong itim na buhok at bangs.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Katerno ng kanyang dramatic new color at style ng buhok ang itim ding outfit; itim na pantalon, eleganteng jacket, at flats.

Napakaganda ng ngiti ni Woodley, 26, nang ipinakita niya ang kanyang bagong ‘do sa event, at nagpakuha ng litrato na kasama ang kanyang co-star sa Big Little Lies na si Zoe Kravitz.

Hindi pa malinaw kung ang transformation niyang ito ay para sa kanyang pagganap bilang si Jane Chapman sa award-winning HBO series, na nagsimula nang mag-taping kamakailan para sa pangalawang season.

Samantala, malayo sa trabaho at sa mga glitzy event, nag-rerelax si Woodley kasama ang kanyang boyfriend, si Ben Volavola, na miyembro ng rugby team North Harbour sa New Zealand.

Ilang beses nang lumabas sa Instragram ni Woodley ang hunky 27 taong gulang na atleta kamakailan.