Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY, Tarlac - Hindi na umabot sa paggunita ng Biyernes Santo ang isang motorcycle rider nang masawi siya matapos mabundol at makaladkad ng isang truck sa Barangay San Rafael, Tarlac City, nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO1 Ranee Navarro ang nasawi na si Gilbert Nicolas, ng Gerona, Tarlac.

Sugatan namang isinugod sa ospital ang angkas ni Nicolas na si Elyjoy Adayo, 31, ng Bgy. Pagasa, Tarlac City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Pauwi na ang dalawa sakay sa motorsiklo at nang paliko na ay nahagip sila ng isang truck na kumaladkad sa kanila.