Ni Mary Ann Santiago

Nananawagan ng ceasefire sa Mindanao ang isang obispo ng Simbahang Katoliko na nakatalaga sa rehiyon, kasabay nang paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, isa sa kanyang mga panalangin ngayong Mahal na Araw ay magkaroon ng mas mapayapang pag-obserba ng Semana Santa sa Mindanao.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We are appealing to the government and to all rebel forces to declare a ceasefire. Let us respect the faithful’s observance of the Holy Week and allow them to observe traditional religious practices,” apela ni Bagaforo, sa panayam ng Radio Veritas.