Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Isang bank collector ang natangayan ng P26,000 matapos umano itong holdapin ng riding-in-tandem sa La Paz- Concepcion Road sa Barangay Rizal, La Paz, Tarlac, nitong Martes ng tanghali.

Kaagad na nagreklamo sa himpilan ng pulisya si Khalil Renzo David, 23, may asawa, ng Purok Castro, Bgy. San Nicolas Balas, Concepcion, Tarlac.

Aniya, bitbit niya ang kanyang koleksiyon at dadalhin na sana niya ito sa kanilang bangko nang holdapin siya ng dalawang lalaking nakamotorsiklo at armado ng baril.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nangyari ang insidente habang kumakain umano si David sa isang establisimyento sa nasabing lugar.