Ni Genalyn D. Kabiling

Simula sa tanghali ngayong Miyerkules Santo ay suspendido na ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at maging ang klase sa mga pampublikong paaralan at unibersidad upang magkaroon ng sapat na panahon ang publiko sa paghahanda para sa Semana Santa.

Inihayag kahapon ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag na half-day na lang ang pasok at klase sa pampublikong sektor, batay sa Memorandum Circular No. 43.

“Work in government offices including government-owned and -controlled corporations and local government units, and classes in all public schools, state universities and colleges, are hereby suspended on Wednesday, 28 March 2018 starting at 12:00 o’clock noon to enable government workers to prepare for the observance of Holy Thursday and Good Friday,” sinabi ni Banaag sa press briefing sa Malacañang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists