Ni Erwin Beleo

SAN FERNANDO CITY, La Union - Pinaniniwalaan ng pulisya na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot ang pamamaslang sa isang mekaniko sa San Fernando City, La Union nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Mark Bon Sumuingit, ng Barangay Sagayad, San Fernando City matapos magtamo ng limang tama ng bala sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pag-iimbestiga ni Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., ng La Union Police Provincial Office, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa isang liblib na kalsada sa Dallangayan Este, dakong 11:30 ng gabi.

Posible aniyang pinatay ito ng katransaksiyon sa droga, batay na rin sa nasamsam na plastic sachet ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana, sa crime scene.

Narekober din ng pulisya ang isang .45 caliber pistol, limang bala ng baril, at limang basyo nito.

Setyembre 2016 nang sumuko ang biktima “Oplan Tokhang” ng pulisya nang mapabilang ang pangalan nito sa drug watch list.