Ni Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Ininspeksiyon ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong bus terminal sa Dagupan City, Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero ngayong Mahal na Araw.

Ang surprise inspection ay pinamunuan ni LTO-Region 1 Director Teofilo Guadiz.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Binalaan din ni Guadiz ang mga driver na iwasan ang uminom ng alak para na rin sa proteksiyon ng mga pasahero, at makaiwas sa disgrasya.

Isang bus naman sa isa sa mga terminal ang hindi na pinayagang makabiyahe nang madiskubreng expired na ang prangkisa nito.

Magbibigay din ng special permit ang LTO para sa karagdagang biyahe ng mga bus sa lugar.