Ni Light A. Nolasco

LICAB, Nueva Ecija - Nahaharap ngayon sa frustrated murder ang isang barangay tanod nang barilin umano nito ang isang binata sa Barangay Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan, nakaligtas pa rin sa kamatayan si Raul Fermin, 52, magsasaka, ng nasabing barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakulong na ngayon ang suspek na si Danilo Alicaza, matapos na sumuko ito sa pulisya kasunod ng insidente.

Sa imbestigasyon, umiinom lamang ng kape ang biktima sa harapan ng bahay nito nang dumating ang suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin ni Alicaza ang biktima.