Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Pinagbabaril at napatay ng isang hindi nakilalang lalaki ang isang lalaking nasa drug watch list ng pulisya sa Batangas City, Batangas, nitong Sabado ng gabi.

Inihayag ni Supt. Wildemar Tiu, hepe ng Batangas City Police, na posibleng pinaslang si Agapito Calatin, ng Barangay Banaba, Batangas City, dahil sa pagkakasangkot umano nito sa ipinagbabawal na gamot.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 10:00 ng gabi at sakay sa motorsiklo si Calatin patungong San Pascual nang harangin at pagbabarilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa Sitio Palindan, Bgy. Banaba Center.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.