NI Dhel Nazario

Patay ang dalawang katao makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armado habang naglalakad sa New Lower Bicutan, Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Sheryl Ceron, at Vicente Delas Alas, Jr., kapwa residente ng Almanza Ville, Las Piñas City.

Agad nalagutan ng hininga si Ceron dahil sa tama ng bala sa ulo, habang si Delas Alas, Jr., na tinamaan din ng bala sa ulo, ay isinugod sa Taguig Pateros District hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente habang naglalakad ang mga biktima sa Road 4 corner Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan sa Taguig, dakong 12:15 ng madaling araw.

Ayon sa pul is, habang naglalakad ay binaril ng armado ang mga biktima na naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Walang ideya ang mga residente sa lugar hinggil sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Ga y u n m a n , b a s e s a inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, kapwa tagapagtangkilik ng droga ang mga biktima. Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.