CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Nalambat ng pulisya ang isang 48-anyos na akusado sa panggagahasa matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Huwebes ng hapon.

Binanggit ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, na wala nang nagawa si Rael Sanchez, may asawa, ng Purok 5, Barangay AGL Subdivision, Bgy. Kalikid Sur, nang damputin ito ng raiding team.

Dakong 1:25 ng hapon nang isagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Regional Trial Court Branch 270 ng Valenzuela City.

Nakapiit ngayon sa Cabanatuan City ang suspek na nakatakdang i-turn over sa Valenzuela City Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Itinakda na ng hukuman ang piyansang P200,000 para sa pansamantalang paglaya ni Sanchez. (Light A. Nolasco)