Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women Disability Month, magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 sa kababaihang may kapansanan bukas, Marso 26, Lunes.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), operator ng LRT-1, ang libreng sakay ay ipatutupad sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1 mula sa Baclaran sa Parañaque City hanggang sa Roosevelt, Quezon City.

Upang maka-avail ng libreng sakay, kailangan lamang na ipakita ng kababaihan ang kanilang person with disability (PWD) ID, o kahit anong balidong government ID, sa teller na magtuturo sa kanila ng service gate na itinalaga para sa kanila.

“This special treat to female PWDs is courtesy of LRMC, in cooperation with the National Council on Disability Affairs (NCDA), which is celebrating its 14th Women with Disabilities Day with the theme #ProgressToSucess: Babaeng Maykapansanan sa Pagbabago Manguna at Manindigan Ka campaign this year,” ayon sa LRMC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na ang unang biyahe ng LRT-1 ay umaalis ng 4:30 ng umaga, habang ang huling biyahe mula sa Baclaran ay umaalis ng 10:00 ng gabi, at ang huling tren naman mula sa Roosevelt Station ay bibiyahe ng 10:15 ng gabi.

Una nang inihayag ng LRT-1 na wala itong biyahe simula sa Huwebes Santo (Marso 29) hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 1). (Mary Ann Santiago)