TATLO nang magaganda at seksing actress ang katambal ni Dennis Trillo sa The One That Got Away, pero heto at may bago pang pumasok na napakaseksi, napakaganda at mahusay ding actress, si Solenn Heussaff.

SOLENN AT DENNIS copy

Ano ang masasabi ni Dennis tungkol dito?

“Nadagdagan ang excitement,” natatawang sagot ng aktor. “Biro n’yo, mayroon na akong Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, may isa pang nadagdag. Nu’ng unang weeks ng romantic-comedy series namin, kasama ko rin si Sophie Albert na girlfriend ko, minahal at inalagaan ko kasi preggy na siya. Pero hindi naman pala akin ang baby niya. Then, bumabalik na rin ang ex-girlfriends ko sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian) na medyo naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang talagang gusto kong balikan. Then, may iba nang nanliligaw na sa kanila, kaya lalo akong naguguluhan.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Si Solenn ay si George, unang girlfriend ni Liam (Dennis) bago niya nakarelasyon tatlo niyang ex-girlfriends. This week, dahil summer episodes na ng TOTGA, magpapakita na ng kaseksihan si Solenn, kaya mukhang lalong mahihirapan si Liam sa pagpili kung sino talaga ang kanyang mamahalin.

Ang kanyang pamilya, ibinubuyo na siyang ang balikan si Alex, na ang pamilya ay boto rin kay Liam at hindi si Gab (Renz Fernandez) na boyfriend nito ngayon.

Pero mukhang may isa pang magiging problema si Liam, dahil siya naman yata ang tipo ni Gab na lingid kay Alex ay isa palang bading.

Paano kaya ito reresolbahin nina Liam at ni Alex? O si George ba ang makaka-solve ng problema nila? Napapanood ang TOTGA pagkatapos ng Kambal Karibal.