Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inaresto ng mga tauhan ng Tarlac City Police ang isang 26-anyos na lalaki matapos umano nitong halayin ang menor de edad na text mate nito sa Tarlac City, nitong Huwebes ng gabi.

Sinamahan ng 15-anyos na babae, na taga-Barangay Sto. Cristo, Tarlac City, ng kanyang magulang nang magtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo si Simon Prince Salonga, ng Fiesta Communities Subdivision, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni Supt. Eric Buenconcejo, hepe ng Tarlac City Police, na mahigit isang buwang naging text mate ng biktima ang suspek.

Nang yayain ng suspek ang dalagita na magtungo sa kanilang lugar ay kaagad na pumayag ang biktima, na nagresulta sa panghahalay sa kanya.

Inihahanda na ng pulisya ang isasampang kasong rape laban sa suspek.