Ni Beth Camia

Gaya ng nakagawian na, magkukulong lang si Pangulong Duterte sa kanyang bahay sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-73 kaarawan sa Miyerkules, Marso 28.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tulad ng dati, mamamalagi lang sa bahay sa Davao City ang Pangulo.

Ayon pa kay Roque, makakasama ng Pangulo sa espesyal nitong araw ang mga anak at apo nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Subalit pagkatapos, aniya, ng Mahal na Araw ay kaagad na sasabak sa trabaho ang Pangulo, kabilang na ang pagbiyahe sa labas ng bansa.

Nagkaroon ng aktibidad ang Presidente sa Davao nang dumalo sa ika-16 na anibersaryo ng Supreme Tribal Council for Peace and Development.