Ni Remy Umerez

TATLONG kababaihang singers ang inilunsad ng VivaTV sa One Song, kuwento ng magkakaibigan na dumaranas ng maraming pagsubok sa buhay makamit lamang ang tagumpay.

Dreamgirls copy

Tampok sa musical drama sina Janine Tenoso, Carlyn Ocampo at Aubrey Caraan collectively known as Dreamgirls. Si Janine ay naging grand finalist sa Born to be a Star sa TV5 noong 2016. Bilang Abby ay natuto niyang maging independent dahil kapwa OFW ang kanyang mga magulang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hinalaw ang One Song sa klasikong pelikula ng Viva na Do-Re-Mi na pinagbidahan nina Donna Cruz, Mikee Cojuangco at noong dekada 90.

Featured sa soundtrack ng One Song ang OPM hits tulad ng Himala ni Rico Blanco, Sa Isip Ko nina Dennis at Rene Garcia, Bakit ni Chuckie Dreyfus, Huwag Mo Nang Itanong ni Ely Buendia, Next in Line ni Wency Cornejo at ang theme song na One Song na ginawan din ng dance version.

Markado sa mukha ng tatlong singers ang galak at enthusiasm sa napakalaking break na ibinigay sa kanila ni Boss Vic del Rosario both sa recording at telebisyon nangn iharap sila sa presscon.

Ang One Song ay mula sa direction ni Digo Ricio at mapapanood sa Viva TV tuwing Sabado ng gabi.