Ni PNA

IPINAGDIWANG nitong Huwebes ang ‘sesquicentennial’ o ang ika-150 kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, kasabay ng paglulunsad ng kanyang logo sa First President’s 149th birth commemoration sa Kawit Shrine sa Kawit, Cavite.

Pinangunahan ni Senador Juan Edgardo M. Angara ang pagsasapubliko ng logo, kasama sina Provincial Governor Jesus Crispin C. Remulla, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Director Ludovico D. Badoy at ang iba pang lokal na opisyal.

Binigyang-pugay si Aguinaldo sa paglalahad sa mga naging ambag nito sa kasaysayan at ibinahagi ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng Heneral.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa kanyang opening remarks, ipinahayag ni Cavite’s First District Representative Francis Gerald A. Abaya ang kanyang paghanga kay Aguinaldo.

“Bilang isang lingkod bayan, si Heneral Aguinaldo po ang aking inspirasyon sa pagseserbisyo. Tulad nya, sinisikap ko pong maglingkod ng may malasakit sa bayan,” sabi ni Abaya.

Ipinahayag naman ni Remulla ang kahalagahan ng selebrasyon at pinuri ang katangian ni Aguinaldo at sinabing ang kapanganakan niya sa Cavite ay naging daan upang magkaroon ng isang rebolusyonaryong heneral na kilala ngayon bilang “Father of Philippine Independence.”

Para kay Angara, maaaring Divine providence na naging mahaba ang buhay ni Aguinaldo, “para maipasa sa mga susunod na henerasyon ang kanyang mahalagang karanasan.”

“Maalala sana natin na totoong tao, hindi mga Diyos, ang nagtayo ng ating bansa.

“Greatness comes from shortcomings and doubt and one becomes a hero not because of not committing mistakes, but by rising above life’s hurdles towards the achievement of our desired victory.” dagdag niya.

“Ibig sabihin, lahat tayo ay may kakayahan para maging dakila at magpaka-bayani para sa ating bansa,” sabi pa ni Angara.