KUWENTO ni Andre Paras, all-out ang suportang natatanggap nilang magkapatid mula sa amang si Benjie Paras kahit na magkaiba ang career nila. Mas focused si Andre sa pag-arte, samantalang basketball naman ang tinututukan ng kapatid na si Kobe.

Ayon sa Sherlock Jr. star, kapag nahihirapan sila ay laging nakaalalay ang kanilang ama para ipaalala sa kanila na “it’s just a bad day, not a bad career,” at ini-encourage sila na ibaling ang atensiyon sa mas positibong mga bagay. Ito ang dahilan kung bakit laging motivated at passionate sina Andre at Kobe sa kanya-kanyang career.
Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa