Ni Freddie Velez

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan - Aabot sa 14 na katao ang dinampot ng pulisya sa anti-gambling operations sa Meycauayan, Bulacan, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo Caramat Jr., Bulacan Police Provincial Office director, ang mga naaresto na sina Allan Kierulf Cheng, Caver Bermudo Carmelotes, Jerome Barola Catienza, Edith Umibig Adino, Rickson Flor Eco, Mercy Cabahug Eco, Roderick Calalang Erese, Angelito Pablo Payumo, Reynaldo Balbuena Parreras, Elvira Tarosa Vistan, Rosemarie Galale Muaje, Cerilo Jimenez Caino, Benjamin Reyes De Guzman, at Mamerto Culina Mercado.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasakote ang mga suspek habang nagsusugal umano sa magkakahiwalay na lugar sa Meycauayan, Angat, Paombong at San Jose del Monte.

Nahaharap ang 14 naaresto sa paglabag sa Republic Act 1602 (Anti-Gambling Act).