Ni Reggee Bonoan

NANLULUMO ang mga nakausap naming aspiring talent na pumasa sa audition ng programang umeere ngayon.

Sa mechanics kasi sa isinagawang audition ay paramihan ng likes ang auditioners para pumasa sa pakontes bukod pa sa may mga talent naman din silang ipinakita.

Ang siste, kapag maraming kaibigan at kaanak ang nag-like sa isang contestant kahit walang face value ay pasok na sa programa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mabibilang sa daliri ang may itsura sa mga nakakuha ng maraming like kaya ang ending, naloka ang mga bossing ng programa. Kasi nga naman pawang chararat daw ang nakapasok. Hayun, dinedma na ang naunang rules na paramihan ng likes kaya handpicked na ang mga ipinasa, as in.

Kaya ngayon, may mga itsura na ang mga napapanood sa pakontes ng programa pero naghihimutok naman ang mga natsuging chararat na nakakuha ng maraming likes. Sayang naman daw ang effort nila lalo’t nanggaling pa sila sa malalayong probinsiya para lang sumali sa pakontes ng network.

In fairness, sagot naman ng producer ng contest ang board and lodging ng contestants na nanggaling sa malalayong lugar.

Bukod sa aspiring talents na masama ang loob ay nakatsikahan din ng aming source ang producer ng pakontes at sinabi niyang malaki na ang nailalabas niyang pera na wala pang bumabalik. Kung tama ang dinig namin ay umabot na sa P80M ang nagastos simula pa nu’ng nagpa-audition sila sa iba’t ibang probinsiya noong 2017 pa.

Kung ganito na ang nagastos ng producer, e, di sana sumosyo na lang siyang mag-produce ng pelikula at baka sakaling kumita pa siya.