Ni Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac – Sugatan ang limang katao matapos magsalpukan ang dalawang tricycle sa highway ng Barangay San Isidro, Paniqui, Tarlac, nitong Lunes.

Kinilala ni PO3 Erwin Espino Estigoy ang mga biktimang sina Sonia Velasco, 56; Cyrhil Jhon Castaneda, 16; Elvie Mae Quimado, 16; Jenny Rose Callangan, 17, pawang residente ng Anao; at Dante Esteban, 39, driver ng tricycle at taga- Bgy. Sta Maria, Moncada, Tarlac.

Walang plaka at wala ring lisensiya ang driver ng isa sa mga tricycle na si Arnulfo Apolinada, 31, ng Purok 6, Salumague, Paniqui, Tarlac.

Probinsya

Delivery rider, tinodas at pinagnakawan!

Magkaibang direksiyon ang binabagtas ng mga tricycle nang biglang magkabanggaan.