INILARGA ng pamosong Color Manila, nangungunang fun-run organizer sa bansa ang CM Paradise Run – nitong weekend sa Clark, Pampanga.

INAASAHAN ang muling pagdagsa ng mga runner na tulad nang suportang nakuha sa isinagawang CM Paradise Run sa Clark Parade Grounds sa Pampanga.

INAASAHAN ang muling pagdagsa ng mga runner na tulad nang suportang nakuha sa isinagawang CM Paradise Run sa Clark Parade Grounds sa Pampanga.

Itinaguyod din ang programa ng Honda, at Clark Development Corporation (CDC), sa patakbo na nilahukan ng mahigit 3,000 runners.

“It’s the first time that we brought the CM Paradise Run franchise outside of Manila, and it is only fitting to bring it here to Clark, Pampanga. Clark happens to be currently our biggest market outside of Manila, and for the past 18 months alone, we’ve had around 20,000 runners in our various events held here,” pahayag ni ColorManila VP Justine Cordero.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang CM Paradise Run Clark leg, co-presented ng Honda, ay nagbigay sa bagong programa sa patakbo na patuloy na umaani ng suporta sa mga Pinoy.

Matapos ang karera, natikman ng mga kalahok at mga kasama ang karanasan para masiglang konsiyerto, tampok ang mga pamosong DJ.

Matapos ang CM Paradise Run Clark, lalarga ang ColorManila sa Laoag sa Marso 24 para sa CM Paradise Run - Laoag leg, at Laguna sa Abril 8, 2018 sa Greenfield.

Tampok sa CM Paradise Run ang tatlong distansiya – 3K, 5K at 10K. Makapapamili ang mga runners para sa Deluxe Kit, Rockstar Kit at Superstar Kit.