Ni Orly L. Barcala

Labing-isang drug suspect ang inaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela at Malabon City, nitong Lunes.

Sa isinumiteng report sa Northern Police District (NPD), unang nadakip ang suspek na si William Villaralbo, 30, kilala umanong tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Dulong Tangke, Malinta, Valenzuela City, dakong 8:00 ng gabi.

Bukod kay V i l l a r a l b o , dinampot din ng mga pulis sina Jerry Munez, 43; Carlo Mendoza, 29; Roque Vistal, 34; at Rustom Lloyd Lacasta, 23, pawang naaktuhan umanong nagpa-pot session sa bahay ng una.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, anim na katao naman ang dinakip ng awtoridad sa aktong gumagamit ng umano’y shabu sa ibabaw ng mga nitso sa Tugatog Public Cemetery, na matatagpuan sa P. Concepcion Street, Barangay Tugatog, Malabon City, dakong 9:30 ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Maricel Camomot, 34; Fermina Martin, 50; Winnielyn Alpis, 30; Crisanto Ruste, 39; Marvin Limjuco, 39; at Ronnie Cabanawan, 24.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pakete na may bakas ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot session sa loob ng naturang sementeryo.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).