Ni Dhel Nazario

Kulungan ang kinabagsakan ng isang construction worker matapos pasukin sa kuwarto at molestiyahin ang isang babae habang himbing sa pagtulog sa Pasay City,nitong Linggo ng gabi.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Mateo Villanueva,36, ng Dama De Noche Street, Pildera 1, Barangay 192 ng nasbaing lungsod.

Si Villanueva ay inaresto ng mga miyembro ng Airport Police Community Precinct sa isang follow-up operation. Sa imbestigasyon ng pulisya,nakahiga sa kama at himbing sa pagtulog ang hindi pinangalang babaeng biktima sa Pildera 1,Bgy. 192 ng nasabing lungsod,dakong 7:30 ng gabi nang hindi namalayan ang pagpasok ng suspek at isinagawa ang umano’y kalaswaan nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa awtoridad napaiyak ng malakas ang biktima kaya dali-daling lumabas ng kuwarto ang suspek.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang kapatid na lalaki na nagsumbong naman sa barangay at presinto na sanhi ng pagkakaaresto ng suspek.

Sasampahan ang suspek ng paglabag sa Protection against child abuse, exploitation and discrimination (RA 7610) sa Pasay Prosecutor’s Office.