Ni Niño N. Luces

LIGAO CITY, Albay - Isang magkapatid na babae ang nasawi matapos na hindi sila makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Ligao City, Albay nitong Linggo ng hapon.

Tinukoy ni SFO4 Aramis Balde, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bicol, ang mga nasawi na sina Rochele Lovendino, 22; at Rea Lovendino 13, ng Purok 3, Barangay Bacong, Ligao City.

Na-trap ang magkapatid sa loob ng nasusunog nilang dalawang-palapag na bahay dakong 4:00 ng hapon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

“Medyo malayo sa sentro ng Ligao City ‘yung barangay, siguro mga 10 kilometers kaya nahirapan ‘yung responde natin," paliwanag ni Balde.

Nasugatan naman ang ama ng mga ito na si Benjamin Lovendino na isinugod sa ospital.

"Inaalam pa po natin ‘yung pinagmulan ng apoy, at kung bakit ito kumalat," dagdag pa ni Balde.