Ni Genalyn D. Kabiling

Inaasahang pag-iigihin ng mga miyembro ng Gabinete ang kanilang pagtarabaho na para bang huling araw na nila sa puwesto sa gitna ng mga balita na posibleng magkakaroon ng mga pagbabago sa official family, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Inamin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na nasa kamay ng Pangulo ang kapalaran ng mga miyembro ng Gabinete.

“Kami lahat sa Cabinet we serve at the pleasure of the President so whether kami ay payagan ng Presidente na ipagpatuloy ang trabaho o hindi, nasa kaniya iyon. What we must do sa [in the] Cabinet is that we must work hard every day as if today is the last day,” ani Andanar sa panayam kamakailan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Lahat kami as a Cabinet member ay nanganganib na matanggal kasi kung mayroon talagang revamp... Ang mahalaga ho dito we just must all work very hard. At kung anong utos ng Pangulo, gawin lang namin,” idinagdag niya.

Kamakailan ay kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng magkakaroon ng balasahan sa Gabinete dahil dismayado ang Pangulo sa trabaho ng ilang opisyal. Ang komento ng Pangulo ay kasunod ng banta niyang ipapakulong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kapag nakalabas sa kulungan ang dalawang pinaghihinalaang drug lords.

“Talagang sabi niya na merong mga secretary na hindi siya happy sa performance at magkakaroon nga daw po ng mga pagbabago sa Gabinete,” ani Roque kamakailan.

Sinabi ni Andanar na talagang sinabi ng Pangulo ang mga balak nitong pagbabago sa Gabinete sa pagpupulong kamakailan sa Palasyo.

“Once the President loses his trust and confidence then kung sino man iyong ano -- dapat umalis na sa Gabinete,” aniya.