Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Aabot sa 80 kilo ng ‘hot meat’ o botcha ang nakumpiska ng pulisya nang masabat ito sa isang tricycle driver sa Tarlac City, kahapon ng madaling-araw.

Ipinahayag ni Tarlac City Police chief, Supt. Eric Buenconcejo na hindi na nakalaban pa ang inarestong si Augustine Blas, 42, vendor, ng Sitio H. Cruz, Barangay Matatalaib, Tarlac City nang parahin sa Juan Luna Street sa Bgy. Sto. Cristo ang minamaneho nitong tricycle.

Lulan umano sa tricycle ang nasabing kilo-kilo ng karne na ide-deliver sa palengke sa lugar.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Bago ang pag-aresto, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagrereklamo sa umano’y ilegal na gawain ni Blas.

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10536 (Meat Inspection Code of the Philippines).