Ni Kate Louise B. Javier

May kaugnayan sa trabaho ang tinitingnan ng pulisya na isa sa mga posibleng motibo sa pagpatay sa isang lider ng transport group sa Caloocan City.

Itinumba ng tatlong hindi kilalang lalaki sa Malabon City nitong Biyernes ng gabi si Jerry Adolfo, 52, presidente ng Sangandaan-Panghulo-Polo JODA (SPPJODA), taga-Sangandaan, Caloocan City, na binaril sa ulo.

Nabatid na isa sa mga suspek ang umupo sa tabi ni Adolfo habang nagmamaneho ng jeep ang huli, bumunot ng baril at binaril sa ulo ang biktima sa harap ng mga pasahero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Senior Supt. John Chua, hepe ng Malabon City Police, na wala pa silang persons of interest sa kaso habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Si Adolfo ang unang transport leader na binaril sa lugar at masusing sinisiyasat ng awtoridad ang anggulo sa krimen.

“Halos lahat daw ng nagiging presidente [ng TODA] doon binabaril. Baka madami ang hindi natutuwa sa pamamalakad,” sabi ni Senior Supt. Chua.

Samantala, kinumpirma naman ni Malabon Police investigation chief Senior Insp. Dennis Javier na hindi kabilang sa drugs watch list ang biktima.

Batay naman sa pahayag ng kaibigan ni Adolfo na si Gary Origines, 43, wala siyang alam na may kaaway ang biktima dahil mabuti itong tao.