Ni Fer Taboy

Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi matapos itong pagbabarilin sa isang videoke bar ng mga hindi nakikilalang lalaki sa North Cotabato nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Hashim Guiamelon Kamanso, 31, ng Barangay Talitay, Pikit, North Cotabato at kaanib ng 118th Base Command ng MILF.

Sa imbestigasyon Chief Insp. Romy Castanares, nakaupo lamang ang biktima sa loob ng isang videoke house sa public market nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi kilalang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi na isinugod sa ospital ang biktima na namatay kaagad sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng bala sa ulo at likod.

Tumakas kaagad ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar.

Ayon sa pulisya, posibleng rido o gantihan ng mga angkan, ang motibo sa pamamaslang.